top of page

Sa Kabila Ng Paalam

  • Jay Recitas Burayag
  • Aug 13, 2018
  • 1 min read

Sa Kabila Ng Paalam

(basahin paibaba)

Hindi na kita babalikan,

Huwag ka maniniwalang

May pag-asa pa sa atin!

Pakinggan mo ito;

Ang nais ko talaga'y,

Magpakalayo-layo sa 'yo,

Wala naman akong balak na,

Mag-usap tayo para dito,

Hindi na kita mahal!

Huwag ka maniwalang

Magsasama pa tayo habang-buhay,

Kinalimutan na kita,

Walang katotohanan ang narinig mong

Minamahal kita hanggang ngayon,

Hindi ko na kayang magpanggap pa!

(basahin paitaas)

Comments


Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Long Shadow
  • Twitter Long Shadow
  • SoundCloud Long Shadow
bottom of page