Dúrungawan Ng Halíng
- Jay Recitas Burayag
- Aug 2, 2018
- 1 min read
Nanaog sa madilím kong daán,
Namnamín ang pitang libíngan,
May ibig kumatók at bumulóng,
Mulî akó'y sinasaktán ng gunitâ,
Aabót hanggáng bungang-tulog,
Mga multó at alaalang may paít,
Hinagap na lundáy sa paglakbáy,
Sumakay pilit kahit pa mahulog,
Sinimulán sa alimbukáy ng diwà,
Susubuking sisirin lalim ng hiwà,
Nádaganán ng sakít at dalamhatì,
Mistulà'y mga latak na naáanod,
Suyáng-suyâ't sakdál sumumpâ,
Waláng puwáng sa tuwâ't lugód,
Damdami'y dambuhalàng tuód,
Kawangkî ng kamátayan at uod!
Recent Posts
See AllUp and down or quiet overthrown, Surging verses thoughts to drown, Visualized dreams what has grown, Anticipate merriment from a clown,...
Their vices and all badness, Oh! An evildoer's gladness, Qualmishness with sickness, Tumbled down by sadness, Desolation and...