top of page

Puntód Ng Sintahan


Puntód Ng Sintahan

May mga álinlangan sa nagdaóp nating palad,

Bawa't alimbukáy ay hindi alám ang pampáng,

Lublób sa hinanakít at lugmók na lumalangóy,

Pusò'y handusáy at hangos sa panggigipuspós,

Tinitirhá'y silakbó't sigalót sa atubilíng unawà,

Luksâng kabanatà sa damdám ay malubhâ na,

Sumpaín ang sansinukob na may buông galit,

Sukdulang dalamhatì bago sibát damhín mulî,

Una'y watak-waták ngayó'y naaagnás naaabó,

Sabáy umaangkás sa lipád ng diwà't takbuhín,

Salitâng lumitáw ay dapòng kagyát na nalugás,

Pangakò'y talipandás nádaganán sa kalaliman,

Tibók ng kahapo'y patuloy na nakatalâ sa isip,

Mga pagluhàng dahilan ay pagsintáng nawalâ,

May lalâ ng dusa sa bawa't lumalim na sugat,

Sa ginawâ ng sakít mananatiling akó'y manhíd!

Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Long Shadow
  • Twitter Long Shadow
  • SoundCloud Long Shadow
bottom of page