top of page

Alingawngáw Sa Diwà


Alingawngáw Sa Diwà

Mayumìng hangin sa lakambining bulaklák,

Magkatipán sa pintà ay bit'win at buwán,

Kawangkî' ng sumumpâng tapát na kawal,

Mga taludtód ng tulâ'y himig sa takip-silim,

Bulág na naniwalà at hangál na nagtiwalà,

Saksakín at tuhugin hanggáng agaw-buhay,

Katiwalà't bantáy sa kinupkóp na himutók,

Kahit may sakít ng makalawáng kamátayan,

Nágibâng panaginip sa magulóng panahón,

Paòs na tinig ang pánitikáng waláng saysáy,

Kaisa-isáng pasyalan ngayón ay libíngan,

Palò't hambalos sa alaalang hindî maubós,

Bagamán mahiwagà'y malupít ang paggiliw,

Biguín ng agwát at magkaibáng paniniwalà,

Parusang sumpâ'y bingí sa hikbí at hinaíng,

Hiningá'y pumanaw sa nákalimutang mundó!

Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Long Shadow
  • Twitter Long Shadow
  • SoundCloud Long Shadow
bottom of page