top of page

Hulíng Hibík

Hulíng Hibík

Mahinàng tinig mo'y pilit na uulinigin, Bulóng ay dinggín hanggáng maglahò, Anó ba'ng totoó sa pangakong babalik, Kung may damdaming kagyát namatay?

Ngitî ang paklí ng manhíd na sa pagál, Tangìng lason may paít na sumasarap, Pagsintáng natunáw hiwàng mahapdî, Lamóg at magâ sa itinagòng hinanakít,

Sibakín ang pusòng gasgás at bugbóg, Tuligín sa waláng katiyakáng tanóng, Sinakál na hiningá'y silungáng puntód, Mahigpít nating yapusín bawa't alaala,

Humimláy sa ginawâng akmâng piitan, Diwà'y limutin at gapusin sa tanikalâ, Laksâng bigát sa buô kong pagkatao, Damhín ang lunas sa lagìng pagluhà!

Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Long Shadow
  • Twitter Long Shadow
  • SoundCloud Long Shadow
bottom of page