top of page

Sariwàng Galos


Sariwàng Galos

Sukdulang nagpagibík sa bathalà ng awà,

Panalanging sambít magdamág inulit-ulit,

Sa laksâng paggiliw na nalulugás unti-untî,

Unós ay damhín sa tumagistís na pagluhà,

Hambalos ng hinanakít sumidhîng parusa,

Sanlibong sakít sa másinsinang páalaman,

Naghíntayan kap'wà waláng imík at tugón,

Tánawing dapò pinalalabò ng magkatipàn,

Kasama ngayó'y waláng diwà't damdamin,

Malamíg na tulugán sa mauláng mga gabí,

Yapós ng kumot taglày ay lamyós sa balát,

Hagulhól sa aking unan sino'ng makikiníg?

Nádaganáng daigdíg sa lubós na kasawián,

Hapdîng labis-labis itudlâ'y magpatiwakál,

Halos magbigtí sa humpak nating sintahan,

Natikmáng dalamhati'y nais putlín sa talím!

Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Long Shadow
  • Twitter Long Shadow
  • SoundCloud Long Shadow
bottom of page