top of page

Inasnáng Palátuntunan


Umaalingawngaw ang ibá't ibáng alingasngás,

Kapita-pitagang kapangyarihan ay nawawalâ,

Lagpák na lingkód nagmalabís sa katungkulan,

Samaíng-palad tanyág na daskól sarili'y hiyaín,

Buông paligid punô sa ligalig at kapahamakán,

Kawaláng pag-asa at kapabayaán sa tungkulin,

Pangambá'y ipaubayà sa dumí't lupít ng batás,

At hayaang karné ng mga marálitâ ay maluráy;

Iginapos baák na kamay at matá'y nakapiríng,

Isáng laslás sa lalamuna'y mahabâ at malalim,

Walóng butas ng bala sa tadyáng at balakáng,

Malakíng baság sa bungô't may hiwà ang labí,

Kailán magiging ligtás datíng ng bawa't bukas?

Hangád ang ganàp na kahimikan at kaayusán,

Nguni't punó ay may pambihiràng katuwiran!

Mistulà ay kathá-kathâng k'wentong pambatà,

At paliwanag ay halu-halò na bungang-tulog,

Talumpatì na kawangkî ay pábuláng ganitó;

"Magdamág lumangóy ang ibon sa malukóng,

Lumipád ang gagambáng nasipà sa pasyalan,

Masayáng sumasayáw ang mga dagâ't palakâ,"

Mga bulág na kampon ang tangìng naniniwalà,

Kinágawián na yabang ay pagbabâ sa luklukan,

Lubós na uululín ang maniniwalà at makikinig!

Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Long Shadow
  • Twitter Long Shadow
  • SoundCloud Long Shadow
bottom of page