top of page

Halimaw Na Pinopoón

  • Jun 6, 2018
  • 1 min read

Halimaw Na Pinopoón

Nauntòg na malay sagòt sa lumalâng lagáy, Naghingalông madlâ'y waláng hiyâng ululín, Dambanà ng inihalál may sariling húkuman, Daskól na katungkulan lumagpák na dangál,

Bawa't pagkatók ay kisap-matáng pagpanaw, Silá ay mulîng suyuin sa karit ng kamátayan, Mistulàng halíng na piskál at waláng paglilitis, Lumabág ay naghamok nakakasuyàng dustâ,

Marálitâng agaw-buhay sa dugô'y lumalangóy, Katawáng nakahandusáy may butas na bungó! Gatilyong nabalták ang sinaligán niláng batás, Niluwalhatìng amo sa nilalapastangang buhay,

Magdarayà sa batás maang-maangang ungás, Kaniyáng katuwaan karné ng abâ'y maluráy, Nagháhampasan ang mga huwád na himutók, Madilim na bukas sa naáanod ng kahibangán!

Comments


Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Long Shadow
  • Twitter Long Shadow
  • SoundCloud Long Shadow
bottom of page