top of page

Nágibâ Ang Poón


Nágibâ Ang Poón

Pinopoóng salitâ sa may katungkulang nasirâ, Nalulugás na tiwalà sa natutunaw na pangakò, Punô sa mga galamáy ang nilikhâ niláng poón, Hinirang ay laksá-laksâng bulág na mga alipin, Pasimunò ng mga kalagim-lagím na ságupaán, May bungangàng malaswâ't sagisag ng babág,

Babalâ ng palalò ay kamátayan at pagluluksâ, Isáng hangál na dinamtán ng kapangyarihan, Mga talumpatì ng bulaan ay waláng katuturán, Naulól na lingkód ang dalá lagì'y kahambugán, Kaniyáng tagláy ang mga bulaang kágawarán,

Pinunò na isip ay puspós ng poót at kalikuán, Sa mga ipinangakò'y libíngan ang kináratnán, Sariling húkuman waláng habas na patáyan, Nilason ng laway at katarungan ay nadimlan, Pagnanakaw sa kaban ay nátagò sa karimlán, Bilasâng hasang umaalingasaw na sa bayan!

Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Long Shadow
  • Twitter Long Shadow
  • SoundCloud Long Shadow
bottom of page