top of page

Bathalà Sa Lugár


Isáng maiklîng sulyap sa likú-likông daán, Ilán nga ba'ng katawán dito'y tumumbá? Nakatalâ ang mga banság sa tarangkahan, Lugál ng mga nakatirá'y haláng na bituka, Mabahò'ng pusalì't mga dahák na madulás,

Dugông nabulók na nagpatabâ sa mga lupà, Sigawán at guló sa nakaambâng basag-ulo, Mga taták ng namayani'y nasisindák iguhò, Bathalà sa lugár ang may matigás na pangá, Ang mga lampá'y waláng awàng sasakmalín, Harì sa mga bawal ang batayán niláng lakás!

Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Long Shadow
  • Twitter Long Shadow
  • SoundCloud Long Shadow
bottom of page