top of page

Nabuwál Na Banál


Nabuwál Na Banál

Ang ipinapahayág ay mga aral na makat'wíran, Mulâ sa mga isipang kínukupkóp ay kabutihan, Pananalangin ay sumansalà sa mga kasamaán, Kasarinlán sa kasalanan ay pinanghahawakan, Sila'y mga sagrado't pinagpalàng pinangakuan, Magkakaroon ng lupang paraiso sa katapusan, May biyayang mabubuhay na walang hanggan,

Panahon na 'di inaasaha'y kagya't dumarating, Sinumpang kasamaan ay patuloy na manubok, Pipiliin ang matatag at ilalantad ang madupók, Nagmistulà sila'y mga kabundukang natitibag, Sa birheng hubô't hubad ay tuluyang natinag, Maging sa kumikinang na salapi'y nagpabulag, Hindi na makailag at sa kabanala'y lumalabag, Kayâ sa loob ng kawan ay tuluyang tumiwalag, Sinalantâ ng tuksó't gawaing karumal-dumal, Ungal at halakhák ang ipinapalit sa mga dasál, Naging balakyót na ang dila'y mainit na bakal, Sakím sa pita ng lamán at masibà ang inaasal, At nabuksán ang umaalingasaw na mga bawal,

Lublób sa luklukang apóy at sakdál na hangál, Nakamamatáy na tadhanà'y pusalìng ipinugal!

Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Long Shadow
  • Twitter Long Shadow
  • SoundCloud Long Shadow
bottom of page