top of page

Nábihag Ng Init (Ikalawang luwalhatí)


Nábihag Ng Init

Humahangos! Nakasalampak at nadadarang,

Sa nakabungad at nakabukás niyang siwang,

Malinamnam na putahe ay nakatiwangwang,

Lagusan sa pagitan ay naiinip at nag-aabang,

Nag-aantay basain ang yungib na natitigang,

Magdamág nagngalit kalamnáng nakalantad,

Gumagapang ang halik habang nakahubad,

Mula talampakan umaabot hanggang palad,

Sinusuri't sinisiyasat ang katawang nakaliyad,

Nakatirik ang mata't mukha'y nakasubasob,

Nakalawit na dila'y nakahanda sa paglublob,

Malambót na balakáng umiindayog pataob,

Tigmák ng laway sinisimsim hanggang loob,

Nag-alab ng lubos at sa ningas ay napuspos,

Napakagát ng kauntî't humihigpit ang yapos,

Usal ay padaíng na maluwalhatìng makaraos,

Hinugot! Hininga'y naghihíngalô't kinakapos,

Kiliting rumagasa sa ugat tunay na gumulat,

Kinikilig sa sarap muntik panawan ng ulirat,

Dagta'y umilandang at tuluyang isinambulat,

At kínupkop ng pusod ang katas na ikinalat,

Ligayang pinawalán masaganang isiniwalat!

Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Long Shadow
  • Twitter Long Shadow
  • SoundCloud Long Shadow
bottom of page