top of page

Nuon At Ngayon


Nuon At Ngayon

Ngayon, tinatanaw ko ang nuon.

Nakatingin ako sa malayo.

Binabalik-balikan ang iba't-ibang mga alaala natin, kasama ang isang upuan na dati'y ating naging tagpuan bagaman sira na't may kalumaan ay nananatili itong nauupuan.

Sa bawat pagtangkilik natin sa kanya'y patuloy siyang nagiging piping saksi sa mga pangyayari't kaganapan.

Lubos ko itong pinapahalagahan 'pagkat dito natin sinisimulan ang mga araw natin nuon, na may mga tawanan, lambingan, nguni't madalas ang usapang may sigawan, mga pagtatalo't 'di pagkakaunawaan.

Hanggang sa dulo ng usapan, tayo pa rin naman ang makikitang magkayakap ang mga katawan na parang walang katapusan, walang iwanan at hindi na magkakalimutan.

Nuon, at 'di na ngayon.

Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Long Shadow
  • Twitter Long Shadow
  • SoundCloud Long Shadow
bottom of page