top of page

Malabong Taludtod


Malabong Taludtod

May puwang ngayon sa aking isipan, Mga katanungang hinahanapan ng kasagutan, Mistulang balangaw sa silangan na inaabangan, Nasaan ang ilawan sa may hantungan? Kailan liliwanag sa may himlayan? Hiling na matagpuan sa 'yong kandungan, Saglit na itakas sa dawag ng kamangmangan, Sa mailap na taludtod nawa'y matulungan! Binibigkas na may kalituhan, Tumatago sa kadiliman, Aninag na may kalabuan, Talastas na itutudla'y huwag pigilan, Ihayag sa durungawan, Linaw na lumitaw sa siwang ay huwag sanang lilisan, Hinahalungkat na dunong ay 'di dapat mahadlangan, Katulad ng mga kasagutan sa kababalaghan, At agham sa dalubtalaan na nag-aagawan, Hanggang mahubaran ang diwang nababalutan...

Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Long Shadow
  • Twitter Long Shadow
  • SoundCloud Long Shadow
bottom of page