top of page

Batugan (Maikling Bersiyon)


Batugan Ni Jay Recitas Burayag

Rap:

Tanong ay sumuko't lumuhod, Bakit nga ayaw mong kumayod? (3x) Dahil ba ayaw mong mapagod? Kailan ka nga susugod, Sa mga biyayang sinasahod? Unti-unti ka nang inaanod, Nabubulok at inuuod,

Ang araw ay nakasimangot, Itong gabi nama'y nayayamot, Magdamag na malungkot, Sa buhay niyang nilulumot,

Tagpi-tagping lukot na kumot, Hindi na yata mahuhugot, Sa katawang nakabaluktot, Lagi na lang nakabalot,

Buhok ay humaba't kumulot,

Sa mga tainga'y sumusuot, Mga hiblang parang sapot,

At sa leeg ay tuluyang pumulupot,

Kahit pa madalas nasisinagan, Sa sikat ng araw sa katanghalian,

Hindi babangon sa higaan, 'Pagkat kanyang katamaran, Hindi magawang takasan, Kahit pa siya ay silaban,

Ano ba'ng dapat gawin? Upang ikaw'y gisingin, Sa isipang inililipad ng hangin, Patungo sa bangin, Mga kasagutang dapat piliin; Ah! bulabugin, kalampagin, Kalabugin, balibagin,ugain, Sampalin, untugin, bugbugin, Hatawin, sakalin o sapakin,

Diyos na mahabagin!

Itong ungas na malas!

Kumapal na ang balbas, Kasuotang nagkabutas-butas,

Malansang katas sa pamunas, Mula sa laway na tumagas, At sa katawang walang hugas,

Ang maghapon minsa'y lumilipas, Sa lilim ng punong bayabas, Hikab tanging binibigkas, Hilik madidinig na madalas, Inutil na parang naaagnas,

Pinili'ng humiga't 'di gumagawa, Tinitiis manghingi't nagmamakaawa, May pinipiga na magkawanggawa, Dayukdok na sikmura'y 'di nagsasawa, Sa mga tirang pagkaing parang iniluwa,

Maibsan ang kalam hanggang guminhawa,

Gumising, pakinggan at pag-isipan; Mga tumatangkilik sa kahangalan, Bangungot at kadiliman, Ikaw na alipin ng katamaran, Sumpa mo'y makam'tan! Walang puwang sa kaunlaran, Pagsasarhan maging ng kalangitan,

Ngunit mga aral ng lumisan,

Sa buhay at larangan, Gintong kumikinang na iniwan, Huwag sayangin mga batugan! Ito'y bigyan daan at subukan, Sana'y mapahalagahan;

"Kung katamara'y lalabanan, Malulunasan ng kasipagan, Ang sinalot na kinabukasan, Hanggang ang kaginhawaan, Ay tunay nang matagpuan!"

Sa mga nagmamahal at kaibigan, Ang buhay na may kabuluhan, Pagsapit ng paglisan, Ay lubos na tatangisan, At ang mga alaalang iniwan; Kabutihan at kasipagan, Makakaabot sa kalawakan!

Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Long Shadow
  • Twitter Long Shadow
  • SoundCloud Long Shadow
bottom of page