Alipin Ng Init (Unang luwalhatí)
Ako'y inaalipin ng hubad mong katawan, Mainit pa sa lagnat ang nararamdaman, Kamahalan! Sa iyong mga utos at kahilingan; Sumusunod akong isang bulag at pipi, 'Pagkat taglay mo ang nakapapasong labi, Nag-iiwan ng baga sa bawat niyang pagdampi, Sa bawat haplos ng malambot mong palad, Sa pagitan ng 'yong dibdib ako'y napapadpad, Hinahatid na kiliti'y walang kapara't katulad, Baligtaran ang ligaya't nakababad ng sagad, Umaapoy na pugon ang nagkikiskisang laman, Sinisilaban natin ng gigil at pagnanasa, Nilulunod ng pawis at kamunduhan, Wala sa katinuan dahil sa pita ng laman, Naglalabas-masok sa isinukong paraiso, Ungol at halinghing awiting magtatagpo, Kumakatas mong biyaya'y sabik na kakanin, Sasagpangin, lalapain at 'tira'y hihimurin, Nakalantad na sansinukob ay aking sisisirin, Ang kalamnang nahahapo'y 'di ko na iisipin, Tumitindig kahit lakas ko'y pigain at ubusin, 'Pagkat ako ang magiting mong alipin, Maghahatid sa rurok ng ligayang nais lasapin.