top of page

Dito Sa Bayan (Maikling bersiyon)


Dito Sa Bayan (Maikling bersiyon) Ni Jay Recitas Burayag

Dito Sa Bayan (Maikling bersiyon) Ni Jay Recitas Burayag Rap:

Dito Sa Bayan, (nagsasabayan) Digmaang hindi na malaman, Ano'ng tunay na pinagmulan, Patuloy ang kaguluhan, Nagbabakbakan! Naghahabulan! Tinutukan, pinutukan! Lumundag at nailagan, Ginantihan at pinasabugan, Mga balang umuulan, Dito Sa Bayan, Humahanap ng matataguan, Lugar na makukublihan, Dugong nagtatalsikan, Kabilaan ang sigawan, Sa mga sakit na nararamdaman, Nakabibinging putukan, Walang tigil ang palitan, Mapait na kapalaran, Sa minalas tamaan, Dito Sa Bayan, Aking bayang sinilangan, Iisang lahi'ng pinanggalingan, Kapwa may kinamumuhian, Alitan na kinamulatan, Mga dahilan at paninindigan, Pananaw na ipinaglalaban, Hindi alam ang katapusan,

Dito Sa Bayan, Paano sisimulan? Pangarap ay mabigyan ng katuparan, Paghihintay ay hanggang kailan? Inaasam na kapayapaan, Matibay na kasunduan, Wakas ng kaguluhan, Simula ng katahimikan, Mga paguunawaan, Dito Sa Bayan,

Iisang p'wersang makikipaglaban, Sa mang-aaping dayuhan, Dito sa mahal nating bayan, Kasaysayang makabuluhan, Ngunit ano'ng maasahan? Pagkakaisa'y ating makamtan,

Paano masisimulan? Sa papaanong paraan? Tatanggapin na mga kat'wiran, Lahat ay magkakaunawaan, Mabibigyan ng kalinawan, Upang digmaan ay tuluyang wakasan, At mabigyan ng katapusan. Dito sa bayan, Inaasam ang kapayapaan, Walang hanggan, At pangkalahatan, Dito Sa Bayan... (nagsasabayan)

Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Long Shadow
  • Twitter Long Shadow
  • SoundCloud Long Shadow
bottom of page