Tugmang Mailap
- Jay Recitas Burayag
- Jul 18, 2017
- 1 min read
(Makatang Pangkalawakan) Tugmang mailap! Pilit kitang inaapuhap sa mga talasalitaan, At tayutay mayro'n sa 'king isipan, Maging sa iba't-ibang mga paksa; Sa Sipnayan, Kapnayan, Haynayan, Tatsihaan, Sukgisan, Liknayan, At Tayahan ay patuloy na nakikipaghanapan, Anong pait nitong kalagayan, 'Pagkat inabot na ng kinaumagahan, Ikaw'y 'di pa rin matagpuan, Aaaah, marahil itong aking isipan, Na lubos sa kapaguran, Ay nais mo 'bigyan, Ng pansamantalang kapahingahan... — Tugmang Mailap (Makatang Pangkalawakan), TumblrWritings 2017
Recent Posts
See AllI had a bewildering magical dream a couple of days ago; I saw a misanthropic and noctural damsel with wings carrying an alchemist's...
Mundong puno ng pangarap ay ginunaw, Ilan pa'ng bukas na tanawi'y mapanglaw? Panuntuna'y malupit pa sa apoy ng araw, Matatanaw ang...
Our nonsensical conversation and your mordant midnight replies that caused to prolong this irksome intense insomnia. #story