Tugma Sa Mahika
(Ano?) (Mag-iisip ako ng mga tugma?) (Dal'wang minuto lang?) (Sige, susubukan ko) Ahas na mukhang bulate, At naging isang butete, Patolang kalahati'y kamote, Kung ulan ang magkapote, Puno ng talong ang bunga'y sayote, At sa 'king ulo'y may tumubong kabute, Umulan ng mga barya, Sa bote'y nagkasya, Butiking naging buwaya, Tilapya'y nakalipad ng malaya, Ampalayang lasang papaya, Isdang kinakain ay luya, Manikang nabubuhay, Pugitang walang galamay, Bangkay ay kumaway, Kabayong may sungay, Torong asul ang kulay, May labing tumubo sa kilay, May araw sa dagat, Sampung taon ang sugat, Bungal lang ang kumagat, Higante'y nabubuhat, Napakaraming igat, Nalulunok lahat... (Whew) (Abrakadabra) (Sa Abra naiwan ang bra...) — Tugma Sa Mahika, TumblrWritings 2017