Titik Na Nagbabalik
Sa paglayag, paglipad at paglakbay, May mga nagnanais na sumabay, Sa mahiwagang biyaya ng tugma'y may mga nagnanais na sumakay, Doon sa dating tagpua'y madalas naghihintay, Mistulang aking lakambining walang imik, Ako'y ihahatid ng aking mga titik, Sa dako na'ng damdamin ko'y magpapahayag ng kanyang bawat hibik, At sa luwalhati ng kalatas kong nalikha'y tuluyang ihasik, Hinango sa panitikang sa hiwaga ay hitik... — Titik Na Nagbabalik, TumblrWritings 2017