Tampururot Na Sumabog (Ng Dahil Sa Kampupot)
Aray! (Aruy) Agay! (Aguy) Anak ka ng supot, Na may bulbol na kulot! Ano't bigla kang nanabunot? Bakit mukha mo'y nakalukot? Walang tigil ng kasisimangot, Talo mo pa'ng kulangot, Na dumikit sa kuyukot, Pakiusap, takpan mo naman ng kumot, Para 'kong binabangungot, Ng utot na mabantot... Hininga'y halos malalagot, Sa ngawa mong katakot-takot, Hanggang sa kapit-bahay nakakaabot, Oo't aking inaamin na akoy nakalimot, Na magdala ng bulaklak ng kampupot, 'Pagkat ito'y iyong gusto't madalas sinisinghot, Aking pangako na hindi na makakalimot, Sa hiling mong kampupot, Kaya't sa susunod, pati ugat ng kampupot ay aking isusupot... — Tampururot Na Sumabog (Ng Dahil Sa Kampupot), TumblrWritings 2017