top of page

Tamang Kulit (Sabi?)

  • Jay Recitas Burayag
  • Jul 18, 2017
  • 1 min read

Tamang Kulit (Sabi?)

Lagi mong sinasabi na ako ay pangit, Husay mong manglait para kang nilikhang galing sa langit, Hilig mo ba talaga ang manlait? Pero 'di mo napansin ang lakas ng 'yong anghit! Umaabot hanggang sa langit, Payo ko lang na yung damit mo, huwag mong kung saan-saan lang isasabit, Baka bigla na lang sa leeg mo'y may kumalawit, Dahil akala ng nakaamoy, pinaamoy mo sila ng galing sa puwit, Ang istilo mong masungit? Hindi sa 'yo nababagay alam mo ba kung bakit? Kasi sa totoo lang mukha ka namang puwit! Grabe'ng hininga mo ang lupit, Parang patay lang naman na bubuwit, Sa ilong ko'y talaga namang kapit na kapit, Kaya bago ka manlait, dapat ka munang magpagupit samahan mo na rin ng ahit, Para hindi ka na mukhang puwit, Mukha ka na lang singit... Pero huwag kang malungkot, Kasi hindi naman bagay sa mukha mong nakakatakot, Lalo ka lang magmumukhang kulangot, Na nakadikit sa mabahong kuyukot, At laging naghihintay sa paglabas ng utot... — Tamang Kulit (Sabi?), TumblrWritings 2017

Recent Posts

See All
SSSH!

I had a bewildering magical dream a couple of days ago; I saw a misanthropic and noctural damsel with wings carrying an alchemist's...

 
 
 
Laksang Balatay

Mundong puno ng pangarap ay ginunaw, Ilan pa'ng bukas na tanawi'y mapanglaw? Panuntuna'y malupit pa sa apoy ng araw, Matatanaw ang...

 
 
 
SHHH!

Our nonsensical conversation and your mordant midnight replies that caused to prolong this irksome intense insomnia. #story

 
 
 
Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Long Shadow
  • Twitter Long Shadow
  • SoundCloud Long Shadow
bottom of page