Sa Kalamay Mo Binibini (Ako'y Naglalaway)
Ano't napakasarap ng 'yong kalamay? Ang lasa'y 'di nakakasawa at napakalasang tunay, Araw-araw sa 'yo'y nag-aabang at laging naghihintay, 'Pagkat sa tinda mong kalamay ako'y patay na patay, At kung hindi matitikman ako'y maglalaway, Sa masarap mong kalamay ako ay nasanay, Ng dahil sa kalamay puso ko sa 'yo ay bumigay, Ano ba'ng hiwagang taglay ng 'yong kalamay? Mabango, malinamnam at malambot, Bago ko kainin ay akin munang sinisinghot, Ayan tuloy, sa lakas ng pagsinghot natangay pati kulangot, Bakit sa 'yong kalamay bumabango pati utot? Hindi ba't dapat din itong kainin ng laging nakasimangot? 'Pagkat sa kalamay na kinain sumasaya ang malungkot, Oh! binibini, kagaya ng tinda mong kalamay, Sa matamis mong "Oo" ako'y laging naghihintay, Sa masarap mong kalamay na hindi nakakaumay, Hininga mong amoy pinipig ay sumasabay, Ako'y sumasaya't sumisigla'ng aking buhay, Ikaw ang kasagutan sa puso kong nalulumbay, Salamat sa 'yo binibini at sa malinamnam mong kalamay, 'Pagkat ang buhay ko ngayo'y punung-puno ng kulay... — Sa Kalamay Mo Binibini (Ako'y Naglalaway), TumblrWritings 2017