top of page

Sa Dating Tagpuan

Sa daigdig ng tugmaan, Doon ko pupuntahan, Titik na makapangyarihan, Pansamantalang pahingahan, Ng isip kong naguguluhan, Hangad ko'y kapanatagan, Ako'y mandirigmang nakikipaglaban, Hinagpis nitong tanggulan, Kalul'wa'y nabibigatan, Kapayapaan na pangkalahatan, Higit sa karangalan ninuman, 'Pagkat mundong ito'y may katapusan, Lugar ng kaguluhan, Madalas tinatakasan, Sa mga panulat ko na lang iniibsan, Mga bagay na walang kabuluhan, Walang matututunan, Bagsakan ng mga kasamaan, Alam kong tanda mo ang ilan; Kapaimbabawan, kasakiman, kahalayan, Kayabangan, kataksilan, kasinungalingan, Kalapastanganan, kahangalan, Kakitiran ng pagiisip at marami pang ibang kasamaan, Sa katangiang ito ng kadiliman, Marami ang nahihirapan, naiiwan at nawawalan... Ngunit hindi mawawala ang kaligtasan... — Sa Dating Tagpuan, TumblrWritings 2017

Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Long Shadow
  • Twitter Long Shadow
  • SoundCloud Long Shadow
bottom of page