Pusikit Na Karimlan
Kulay ng dugo sa pag-iisip, Sinasakal sa panaginip, Walang sumasagip, Naghihintay at naiinip, Bawat paghinga'y hinahabol, Si 'kamatayan' ang humahatol, Pusikit na karimlan ay sumibol, Kulay ng diwa'y kanyang nililipol, Buhay ay tuluyang pinuputol, Maririnig ay mahihinang pag-ungol, Hinuhugot ng kalaliman, Kadiliman ang mapupuntahan, Mapalad ang mapawawalan, At tuluyang makabalik sa kaliwanagan... — Pusikit Na Karimlan, TumblrWritings 2017