Panitikan Sa Kalawakan
Mga tunggalian ay sinisimulan, Sa lakas ng isipan na 'di kayang tapatan, Mahiwagang tugma'y magliliparan, Isip ko'y dinadala ng panitikan sa kalawakan, Paglalakbay ay nabibigyan ng katuparan, Nagiging nilalang na may taglay na kapangyarihan, Ano't mga titik ay may hatid na kababalaghan? Nabuong mandirigma na kalatas ang tangan, Isang ganap na makatang pangkalawakan, At sa bawat talas ng tugma'y nakikipagtagisan, Sa mga kalaban ay nakikipagdigmaan, Bawat pagtawag ako'y pinapakinggan! Sa mga tugmang nagkukubli't natatabunan, Ng pusikit na karimlan sa kalawakan! Humihiling ng lakas sa aking isipan, Upang mga kalaban ay labis na mahirapan, Sa lilipad kong tugma'y may talim na kabilaan, Hindi kayang ilagan at walang matataguan, Na siyang magbibigay ng kanilang katapusan, Walang maaabutan sa mga himlayan, Ang bawat mga hibla'y sasabog sa kadiliman, Pagsisisihan ng talunan itong tunggalian, 'Pagkat sila'y lilimutin maging ng kasaysayan... — Panitikan Sa Kalawakan, TumblrWritings 2017