top of page

Pag-ibig Na 'Di Tugma


Pag-ibig Na 'Di Tugma

Pag-ibig na makapangyarihan, Kahit sino'ng 'yong tamaan, Hindi ka na kayang takasan, Dal'wa lang ang mapupuntahan, At ang maaaring mapagpipilian, Tamis ng pagmamahalan hanggang katapusan, Pait ng kabiguan sa hindi nagantimpalaan, Ngunit bakit ako'y walang nakamit? Pinaglaruan ng huwad at ginamit? Sa iginawad na sakit ay nag-aalumpihit, Kahit hindi ukol ay ipinipilit, Pag-ibig ako'y bahaginan kahit man lang saglit, Luhang walang tigil sa pag-agos, Puso'y puro galos, 'Pagkat sa 'yong pag-ibig ay salat at naghihikahos... — Pag-ibig Na 'Di Tugma, TumblrWritings 2017

Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Long Shadow
  • Twitter Long Shadow
  • SoundCloud Long Shadow
bottom of page