Nais Malaman
Anong itinatagong lihim sa 'yong isipan, May mga bagay na nais kong malaman, Ikaw din kaya'y mayro'ng nararamdaman? Sa 'gaya ko na nagmamahal at umaasa, Kasagutan sa mga ngiti mo'y di ko mabasa, Huwag mo naman akong titigan ng ganyan, Lalo mo lang akong pinahihirapan, Dibdib ko'y naninikip at nabibigatan, Damdamin ko'y naguguluhan, 'Pagkat 'di ko kayang hulaan, Koro: Nais kong malaman, kinukutuban, Kinakabahan at sa 'yo'y nag-aalinlangan, (Aa-aa-aa-haaah) (Aa-aa-aa-haaah) Isipan ko'y naguguluhan, nalalabuan, Tayo kaya ang magkakatuluyan? (Aa-aa-aa-haaah) (Aa-aa-aa-haaah) (Ulitin ng dalawang beses) Tagumpay ba o kabiguan Ang aking makakamtan? (Aa-aa-aa-haaah) (Aa-aa-aa-haaah) (Oo-oo-oo-hoooh) (Oo-oo-oo-hoooh) Paano kung hindi magkatugma, Ang ating nararamdaman, At iba ang 'yong napupusuan? Madalas nakatingin sa kawalan, Napapagod sa kaiisip hanggang makatulugan, Ganda ng 'yong mukha'y napapanaginipan, Tunay mong kagandahan ay pinagmamasdan, Kahit sa panaginip ay hindi ka mawala-wala, Sana'y naman ikaw'y magtiwala, Isantabi ang mga hinala, Ako ba'y may mapapala? (Ulitin ang koro) — Nais Malaman (TumblrWritings 2017)