top of page

Makatang Pangkalawakan (Banggaan Sa Kalawakan)


Makatang Pangkalawakan (Banggaan Sa Kalawakan)

Labanan sa tugmaan, Naghahabulan na mga isipan, Ubusan ng lakas sa kalawakaan, Piniling lugar ng digmaan, Mga diwa'y dito nabubuksan, Matalas na kalatas ang tangan, 'Pagkat ito ang kailangan, Upang mapagtagumpayan ang mga kalaban, Sandata ng kalaban ay iniilagan at tinatapatan, Naghahanap ng pagkakataon upang malusutan, Mga talim ng tugmang nagliliparan, Matira'ng matibay at ang mahina'y bibigay, Tugma'y pinatitibay at dinadalisay, Minimithi ang tagumpay, Mga bulalakaw ay nagbabagsakan, Bawat muog at tanggulan ay nagpapatibayan, Sa mga bilis ng tugma'y nakikipagsabayan, Nag-iilagan at nagtataguan, Sa mga kasanayan ay nagtatagisan, Lumalaban ng harapan, Walang kinatatakutan, Sa bawat sagupaan, Nakahanda sa himlayan, Kung kabiguan ang kapalaran, At sa dilim ng kalawakan, Bawat lipad ay pinag-iisipan, Inaasintang kalaban ay nagugulantang, Naglalabasan ibat-ibang pananggalang, Saksing araw ay nag-aabang, Sa magwawagi't karapat-dapat igalang, Ang dapat kilalanin at dapat mahirang, At sa mga makatang pangkalawakan ay mapapabilang... — Makatang Pangkalawakan (Banggaan Sa Kalawakan, TumblrWritings 2017

Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Long Shadow
  • Twitter Long Shadow
  • SoundCloud Long Shadow
bottom of page