top of page

Likhang-Isip Na Muog

Sa hindi malirip na dunong! Sino'ng kumakandili sa 'king agam-agam? At sa daratal na kapanahuna'ng aking tatangisan? Salamisim ng salaghati'y kailan mapupugto? Binabata ko'ng antak lubusang nakadatay, Daop palad sapala'ng dalangin, Sa Maylalang na mahabagin, Huwag nawa magahis ng mga uslak na diwa, Sa bagaman ay batid na kawasa, At walang kapara na pagkaunawa, Nitong hungkag na kat'wiran at mga balintuna, Mga katanunga'ng pilit hinahanapan, Ng kalinawan at mga kasagutan, Sa daluhong ng 'sang balintataw, Mili'y kagya't nalaglag sa kawalan, 'Tulala sa pusikit na karimlan, Ano itong aking napuntahan? Ako'y talagang nagugul'han, May mga hiwagang natagpuan, Ako'y naliligaw sa 'king patutunguhan, May mga landas na parang walang hangganan, Sa inimbulog na dunong ay walang kapara, Mistulang iginuhos mula sa mga gulod, Aah, nililiming kahiwagaan ay nakagugulantang... — Likhang-Isip Na Muog, TumblrWritings 2017

Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Long Shadow
  • Twitter Long Shadow
  • SoundCloud Long Shadow
bottom of page