Kanlungan Ng Makata
Ihip ng hangin ay bumubulong, Sa kanyang lamig ako'y ikinukulong, Oh! Inang ulap, sa 'yong lilim ako'y isilong, Hiwagang sa kalikasan ay bumabalong, Nahahapong makata'y sa 'yo nanganganlong, Walang katapusan wagas mong pagtulong, Pinalalaya mo'ng mga diwa ng kahungkagan, Mga diwa't isipa'y inililipad at kinukulayan, Ah! Kapayapaan sa lamikmik na kalikasan! Ano't pasumalang natagpuan? Lubos kitang pinasasalamatan, Sa mga dulong walang hangganan, Hinahanapan ng pansamantalang himlayan, Kagyat na humihiling ng kanlungan, Kapagurang walang katapusan, Bigyan mo ng kapahingahan, Mula sa mundong salat sa kapayapaan, Hitik ng kaguluhan at mga alinlangan... — Kanlungan Ng Makata, TumblrWritings 2017