Huwag Kang Ganyan! (Sa May Kapangitan)
Huwag namang ganyan, Sa hindi kagwapuhan, 'Pagkat ang kagandahan, Ay mayro'n ding katapusan, Sa masasakit na salita mong binitiwan, Langit at lupa'y para 'kong sinakluban, Ang panlabas ba na kaanyuan, Ay siyang laging dapat tingnan? Huwag namang ganyan, Sa mukhang may kapangitan, At baka hindi ka makatuntong sa kalangitan, (Hindi na bale) (Gusto mong mabalatan?) Huwag namang ganyan, Sa hitsurang mukhang hipon, Baka dumating ang panahon, Ay mapunta ka sa mukhang dragon, (Hahahaaa) (Ikukulong kita sa garapon) Sa mukhang may kaasiman, Bakit 'di mo subukang tikman? (Ikaw na lang) ('Langya ka) Upang iyong malaman, Kung dapat ba na asinan, Ba't 'di mo subukang halikan, Ang mukhang alupihan, At ng magkaalaman kung sa kamandag ay tatablan, (Ano?) (Pakamatay ganu'n?) Pakiusap! Huwag namang ganyan, Sa may anghit na may kalakasan, Singhutin mo naman at subukan, Kung talo nga ba ang bulkan! (Dapat sa 'yo'y kidlatan) (Sarap mo batukan) Kung 'di niyo na masikmura, At ang maririnig lang ay puro mura, May humihiling na ipabura, Ititigil ko na'ng pagsulat sa mga pangit ang hitsura... — Huwag Kang Ganyan! (Sa May Kapangitan), TumblrWritings 2017