Hamog Sa Linab
Nangangapa sa kawalan, Buhay na nasimulan, Puno ng kahirapan, Patuloy na lumalaban, Sa kalam ng sikmura't tiyan, Mairaos lamang ang kagutuman, Kahit na dumanak ng kalagiman, Sa mga eskinita't lansangan, Kahit saan hindi uurungan, 'Pagkat ito ang tanging paraan, Kasalatan ay pansamantalang takasan, Inaasam-asam makamit na'y kamatayan, Upang ang kahirapan ay tuluyang wakasan, Tama at mali'y 'di na maunawaan, Hindi na mahalaga kung anong katotohanan, Sa makitid na pag-iisip, Sumasabay sa paghingang naninikip, Sanhi ng makakapal na usok, Sa dibdib niya'y pumapasok, Manhid sa mga amoy na nakakasulasok, Bitukang sanay sa kahit anong maipasok, Hindi sana'y na ngumuya kundi ang lumunok, Lamig ng magdamag sa buto'y nanunuot, Sa barong butas-butas buong katawa'y pilit isinusuot, 'Pagkat wala ng iba pang maisasaplot, Sa katawang nanghihina na't nanlalambot, Nasaan na ang matatamis na pangako? Tuluyang nilumot at itinago sa sapot, Aaah, ibinaon na sa limot ng mga mapag-imbot... — Hamog Sa Linab, TumblrWritings 2017