top of page

Bigwas

  • Jay Recitas Burayag
  • Jul 18, 2017
  • 1 min read

Isang banat na kumpas, Isang bira't 'sang hampas, Walang kakupas-kupas, Kayang dumulas, Kayang kumalas, Masapul ay aatras, Partida o patas, Malulupit na bigwas, Mauubusan ng katas, Walang puwang mga batas, Sa matalas na "alas", 'Di na makikita ang "bukas", Kahit ng kanyang mga bakas, Humahagupit na lakas, Sasalubong ay butas-butas, Kalaba'y 'di na makakatakas, 'Pagkat walang makakalampas, Dito na mauutas, Dito na matatapos, Hininga'y kinakapos, Hangin ay nakagapos, Pinigilan tumagos, Buong lakas ibinuhos, Tinatangay na ng agos, Nagsising nagtuos, Puntos sa pagkalaos, Inaning mga paltos, Pasa, lamog at pilay, Nadamay pati kilay, Nakaabang na ang bantay, Nakahanda ang alalay, Ibinubuwis na buhay, Sa lakas na inialay, Tunay na sumasabay, Lahat ay ibinigay, Kakampi'y nagpupugay, Kahit 'di nagtagumpay.

Comments


Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Long Shadow
  • Twitter Long Shadow
  • SoundCloud Long Shadow
bottom of page