top of page

Bakit Ka Sumuko?

  • Jay Recitas Burayag
  • Jul 18, 2017
  • 1 min read

Sa t'wing ako'y napapadaan, Doon sa dati nating tagpuan, Naaalala ko'ng ating nakaraan, Nu'ng tayo pa'ng nagmamahalan, Akala ko'y wala na talagang katapusan, Kaligayaha'y parang walang hangganan, Hinding-hindi ko pa rin makalimutan, Ang ating mga paglalambingan, Ngunit bakit 'di lang nagkaintindihan, Maliit na bagay lamang ang pinagmulan, Biglang nawalan lahat ito ng kabuluhan, Koro: Bakit ka sumuko? (3x) Baa-bab-bah, baa-bab-bah, Bab-bakit ka, bab-bah-bakit ka, Bakit ka, bakit ka sumuko, (oh-oh-oooh) Lumaban ka naman, oh puso, (oh-oh-oooh), Nasaan ang 'yong ipinangako? (oh-oh-oooh) Pinaasa lang pala sa sinabi mo, (oh-oh-oooh) Sa mga pangakong "habang buhay na ikaw at ako", (oh-oh-oooh) (oh-oh-oooh) (oh-oh-oooh) Matatamis nating alaala'y binabalik-balikan, Nu'ng una kitang hagkan, Sa higpit ng yakap mo ako'y ginantihan, Hindi mo na ba mapagbibigyan, Maibalik ang ating pagmamahalan? Kaniig ko ngayon ay kalungkutan, Nag-iisa't punong-puno ng kadiliman, Bigyan mo naman ng kasagutan, Hindi maubos-ubos na mga katanungan. (3x) (ah-ah-aaah) (ah-ah-aaah) (ah-ah-aaah) (Ulitin ang koro) — Bakit Ka Sumuko? (TumblrWritings 2017)

Comments


Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Long Shadow
  • Twitter Long Shadow
  • SoundCloud Long Shadow
bottom of page