Ang Tao Sa Kapwa Tao
Gan'to ang tao sa kapwa niya tao, Kapag ang isa't isa'y 'di gusto; Kung anu-anong ibinabato, Ikaw na'ng matalino't siya na'ng bobo, Siya na'ng panalo't ikaw na'ng talo, Kabilaan na mga pagtatalo, Parang sila lang ang "totoong" natuto, Anak naman ng putong may kuto! Siya na'ng mabango't ikaw na'ng mabaho, Ikaw na'ng sinungaling at siya na'ng totoo, Siya na'ng di-tao at ikaw na'ng makatao, Ikaw na'ng matino't siya na'ng tarantado, Ano ba naman kayo? Sana naman mabasa n'yo 'to, Kapitulo sa bibliya't mga bersikulo; Ang Aklat Ni Juan 8:7-11 (Sa Bagong Tipan) 7 Datapuwa't nang sila'y nangagpatuloy ng pagtatanong sa kaniya, ay umunat siya, at sa kanila'y sinabi, "Ang walang kasalanan sa inyo, ay siyang unang bumato sa kaniya". 8 At muli siyang yumuko, at sumulat ng kaniyang daliri sa lupa. 9 At sila, nang ito'y kanilang marinig, ay nagsialis na isa-isa, na nagpasimula sa katandatandaan, hanggang sa kahulihulihan: at iniwang magisa si Jesus at ang babae, sa kinaroroonan nito, sa gitna. 10 At umunat si Jesus, at sa kaniya'y sinabi, "Babae, saan sila nangaroroon? wala bagang taong humatol sa iyo?" 11 At sinabi niya, "Wala sinoman, Panginoon". At sinabi ni Jesus, "Ako man ay hindi rin hahatol sa iyo, humayo ka ng iyong lakad; mula ngayo'y huwag ka nang magkasala." Ano tao sa kapwa niya tao, Natauhan na ba kayo? — Ang Tao Sa Kapwa Tao, TumblrWritings 2017