top of page

Aklat Sa Panaginip (Mga Digmaang Nilakbay)


Aklat Sa Panaginip

Oras ng katanghalian, Binasa'y aklat ng kasaysayan, Digmaang naisulat sa iba't ibang kapanahunan, Aba't 'di ko namalayan, Ako'y nakatulog ng biglaan, Pagdilat ko'y kinilabutan, 'Pagkat iba't ibang lugar ang aking napupuntahan, Harapang pinagmasdan itong si Genghis Khan, Tinaguriang "Ang banal na mandirigma" ng kanyang kapanahunan, Si Alejandrong "Dakila" at Haring Dario ng Persia sa kanilang sagupaan, Digmaang Napoleoniko aking nasaksihan, Napoleon Bonaparte'y namuno sa digmaan, Si Haring Alarik at ang digmaan sa Pollentia ng hilagang Italya ay aking nakita't 'di nilampasan, Ang mandirigmang Pranses na si Rolando at ang kanyang kamatayan, Ang bayaning Romano na si Horacio at ang pagtanggal ng sibat na bumaon sa kabila niyang mata'y aking hinangaan, Mga tapang sa digmaan ay naglalabasan, At kanilang pinatunayan sa iba't-ibang larangan, Ngunit 'di pa pala dito natatapos ang mga sagupaan, 'Pagkat si prinsipe Ruperto ng kahariang Alemanya sa panahon ng digmaang sibil ng mga ingles ay aking nasaksihan sa kanyang kakaibang larangan, Si Vercingetorix na unang pambansang bayani ng Pransiya'y kanyang pinag-isa ang mga tribong Keltiko upang ang mga Romano'y kanilang malabanan, Ang may matapang na puso't buo ang loob na si William Wallace ng Eskosya'y harapang pinagmasdan sa kanyang kakisigan, Ang mabagsik na emperador na si Basil II ng imperyong Byzantine sa kanyang lugar na pinamahalaan ay aking pinasyalan, Si Attila ang Hun at ang kanyang panliligalig sa Silanganing Imperyong Romano ay kabilang sa aking mga napanaginipan, Biglaan akong dinala ng aking panaginip sa lugar ni Yue Fei ang Tsinang kanyang sinilangan, Doon ay aking nasaksihan ang isang daan at dalawampu't anim na beses niyang pakikipaglaban, Bigla akong napunta sa lugar ng Norwega upang katagpuin ang barbarong prinsipeng si Erik sa kanyang kaharian, Bigla akong nagtago sa dumarating na hepe ng Alemanyang si Arminius 'pagkat digmaan sa gubat ng Teutonburg ay walang humpay na sagupaan, Mga hiyawan ay parang walang katapusan, Nakita ko si Miltiades laban sa Persiya, Sa digmaan sa lugar ng Marathon sa Gresya, Maging si Vlad ng Wallachia at ang kanyang kamatayan sa Romanya, Ibinalik ako ng aking panaginip sa lugar ng Tsina upang masaksihan si Sun Tzu sa kakaiba niyang pamamaraan at kasanayan sa pakikipaglaban, Inilipad akong muli ng aking panaginip papuntang Europa, At nakita ko naman si Scipio Africanus ng Romanong hukbo na gumapi kay Hannibal sa labanan ng Zama ng ikalawang digmaang Puniko, Abah! Ang mandirigmang si Spartacus ng sinaunang Roma ay aking namukhaan ng harapan! Ano't ako'y nasa lupaing muli ng Tsina? Upang saksihan ang pagbaon ng sibat sa kaliwang mata ni Xiahou Dun ng dinastiyang Han, Tunisia? Ah, Hannibal Barca! Sa imperyong Romano'y nakikipagdigmaan, Aba't si Pyrrhus ng Epirus? Ng panahong Helenistiko? Lumalaban din sa Roma! Oh! Ricardo I ng Inglatera na may pusong leon! Sa kanyang ikatlong krusada laban kay Saladin, Na hindi nagtagumpay kailanman, Ah, lupain ng mga Hapon! Nakita kong lumulusob ang Hapon na si Miyamoto Musashi at may tangan na dalawang espada sa kanyang pakikipaglaban, Tunay niyang napakahusay sa mga digmaan, Si Julius Caesar! Kakaibang panaginip 'pagkat aking nasaksihan, Ang pagbagsak ng republikang Romano! Tungo naman sa pag-usbong ng imperyong Romano, Si Leonidas ng Sparta sa kanyang kagitingan sa labanan sa Thermopylae ang kahuli-hulihan sa aking napanaginipan, Mga kasaysayan ng digmaan, Na aking napanaginipan, Halos 'di ko mapaniwalaan, Iba't ibang kasanayan at pamamaraan sa pakikipaglaban... — Aklat Sa Panaginip (Mga Digmaang Nilakbay), TumblrWritings 2017

Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Long Shadow
  • Twitter Long Shadow
  • SoundCloud Long Shadow
bottom of page