top of page

"Aklat Ng Mga Mukha"

"Aklat Ng Mga Mukha" https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Facebook Sa aking pananaliksik hinggil sa dami ng mga kasalukuyang 🌕tagagamit ng "Aklat ng mga mukha" napag-alaman ko na sa kasalukuyan, mayroon na ang "Aklat ng mga mukha" ng mahigit sa 🔵1.94 bilyong aktibong mga tagagamit sa buong mundo. Dito lamang sa Pilipinas ay mayroon ang "Aklat ng mga mukha" ng 'di bababa sa 🔴43.9 milyong aktibong mga tagagamit. Nakakagulat ang napakaraming bilang na ito! Unang pumasok sa isipan ko ang iba't ibang lahi na may iba't ibang wika at pag-uugali. Samakt'wid hindi na pala kataka-taka at walang kakat'wa na sa dami ng taong gumagamit nito'y hindi maiwasang mangyari na lang isang araw sa buhay mo ang makaramdam ng labis na pagkadismaya at sama ng loob, na gawa ng iba't ibang taong natatagpuan mo. Maaaring ito'y dahilan ng kanilang iba't ibang kultura, pananaw, ugali at ng iba pang mga bagay na hindi karaniwan sa isip at pakiramdam nila. Kagaya ng nangyari sa akin, nakaranas ako ng labis na sama ng loob (nuong una) ng sinubukan kong magdagdag ng isang kaibigan ng "kaibigan ko na" sa kasalukuyan; Alam ko at nauunawaan kong mahirap magtiwala sa panahon ngayon at basta na lang magtanggap o magdagdag ng isang kaibigan, ngunit hindi ang pagtanggi niya ang naging dahilan ng labis kong sama ng loob, ito'y walang iba kundi ang mga 'di niya kaaya-ayang pagtatanong at mga pagsagot. Sa karanasan kong 'to, nagbigay ito sa akin ng magandang aral. 'Pagkat lalo nitong pinalawak ang aking pang-unawa sa tamang pag-uugali at pakikipag-ugnayan sa iba't ibang uri ng mga tao. Hindi lamang sa bansa ko kundi sa buong mundo! Namuni-muni ko na kung ganu'n din ang gagawin ko sa ibang tao, ito'y isang napakalaking kapintasan! 'Pagkat ang "Ang aklat ng mga mukha" ay hindi lang pambansa kundi pang buong mundong pakikipag-ugnayan. Kagaya ng nabanggit ko, iba't iba ang uri ng mga tao— may malawak at makitid na pag-iisip o pang-unawa. Sa kalagayang ito ay posibleng may mga taong nakatuon hindi lang sa kung ano ang panlabas mong kaanyuan kundi pati na rin sa kung ano ang saloobin mo. Kung bastos ang pinakikita mo, ang unang papasok sa isipan ng mga nakakakitang tao; ikaw ay bastos. Maaring madagdagan ng ibang paniniwala na wala kang maayos na edukasyon o galing sa hindi mabuting pamilya at iba pa. 🔵 The Top 20 Valuable Facebook Statistics https://zephoria.com/tag/facebook-statistics/amp/ 🔴 Philippines:number of Facebook users 2021 | Statistic https://www.statista.com/statistics/490455/number-of-philippines-facebook-users/ 🌕 TAGAGAMIT: Tagalog to English: Dictionary Online http://tagaloglang.com/tagagamit/ — Jay Recitas Burayag, Isyu 2017

Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Long Shadow
  • Twitter Long Shadow
  • SoundCloud Long Shadow
bottom of page