Ang Tsismosong Ermitanyo (At Ang Bigotilyong Supot)
Noong unang panahon, May binatang tumalon, Sa loob ng balon, 'Pagkat ayon sa matandang ermitanyong mukhang maton, Ay may nakalubog na kayamanan ng maraming taon, Sa mahiwagang balon, At madaling makuha ng patuwad na pagtalon, Ngunit malas ng tumalon, 'Pagkat walang tubig ang balon, Kundi puro mga dahon, Ito pala'y isang tuyong balon, Na ang nakabaon ay puro mga dahon, Kaya nga't putik at mga dahon sa balon ay nagsitilapon, Sa kawawang binata na'ng ulo'y halos bumaon, Kanyang mga sugat, baling buto't, galos sa pagpapagaling ay aabutin ng mahabang panahon, Natakot ang matandang ermitanyo, Sa nangyari sa supot na bigotilyo, Ang nasabing kayamanan ay kanya lamang narinig na usap-usapan sa kabilang-ibayo, Agad-agad siyang sumakay ng kabayo, Upang magtago at magpakalayo-layo, Iniwan ang binatang nagsisisi't halos hindi na makatayo, Nagsimulang mangako ang binata sa kanyang sarili; "Kapag ako'y gumaling na't muling nakatayo, Hindi na 'ko basta makikinig sa mga sabi-sabi ng kung sinong albularyong mukhang hipon o ng tsismosong ermitanyong mukhang maton, Pag-iisipan ko muna ng maigi at hihingi ng "totoong" mga payo..."
Makukuhang Aral:
Huwag makikinig sa mga tsismoso't tsismosa na walang ibang alam kundi ang manira at gumawa ng mga istorya...
— Ang Tsismosong Ermitanyo (At Ang Bigotilyong Supot), TumblrWritings 2017