Makatang Pangkalawakan
Akoy mandirigmang may lapis na tangan, Tugmang mahiwaga ikaw'y tinatawagan, Ngayon di'y pumasok sa aking isipan, Magsisilbi kong baluti sa mga labanan, Isipa'y paliparin sa dulong walang hangganan, Sa 'yong hiwaga nawa'y bahaginan, Nais saksihan likas na kapangyarihan, Ano'ng nakakubling ihahayag sa dilim ng kalawakan? Diwang nagliliparan at naghahanapan, Nakalaan sa kapalaran ay sinisimulan, Magsisilbing gabay sa mga tunggalian, Bulalakaw ko'y magliliparan, Haring araw ang aking ilawan, Kanyang sinag kalasag ng isipan , Aking pambulag dilim sa kalawakan, Mga planeta'ng aking muog at tanggulan, Ako'y magkukubli upang ingatan, Kislap ng mga bituin ako'y gabayan! Upang mga hadlang ay aking malampasan, At ang mga pagsubok ay aking mapagtagumpayan...
— Makatang Pangkalawakan, TumblrWritings 2017