Tugmaang Og
- Jay Recitas Burayag
- May 4, 2017
- 1 min read
Tugmaang Og Ni Jay Recitas Burayag
Sa aking pagtulog, Mundo ko'y muling iinog, Dibdib na kumakabog, At parang mahuhulog, May mga tunog na gaya ng mga kulog, 'Pagkat tugmang nagbabanggaan ay sumasabog, Mga titik ay lumalabas kapag nabubulabog, Nalilikha nitong isipan kahit umaalog, Mahimbing sa paglakbay kahit nauuntog, Ako'y dumadalaw sa iba't-ibang bantayog, Binabalikan alaala ng mga bantog, Maging ang panitikan ng mga magsing-irog, Aking nasasaksihan kanilang pagtatagpo sa gilid ng ilog, 'Tulad ng pagsinta sa bulaklak ng taimtim na bubuyog... —Tugmaang Og, TumblrWritings 2017
Recent Posts
See AllI had a bewildering magical dream a couple of days ago; I saw a misanthropic and noctural damsel with wings carrying an alchemist's...
Mundong puno ng pangarap ay ginunaw, Ilan pa'ng bukas na tanawi'y mapanglaw? Panuntuna'y malupit pa sa apoy ng araw, Matatanaw ang...
Our nonsensical conversation and your mordant midnight replies that caused to prolong this irksome intense insomnia. #story