top of page

Panalangin ( Sa Diyos Ama Namin)


Panalangin ( Sa Diyos Ama Namin)

Oh, Diyos Ama namin, Kami po ay nanalangin, Upang ikaw'y ay aming dakilain, Pangalan mo po ang aming sasambahin, Sa lahat ng dako ay ang pangalan Mo ang siyang pupurihin, Mula pa na'ng mundo'y lalangin, Ikaw na po ang Diyos sa kalawakan namin, Aming Diyos na mahabagin,

Nawa kami po ay 'yong pagpalain, Sa mga 'di naniniwala, Ikaw'y maghimala,

Upang ang pangalan mo, Oh, Diyos Ama namin, Ay hindi nila kukutyain,

Sa aming mga kasalanan,

Oh, aming Diyos na mahabagin,

Kami po sana'y patawarin, Sa aking kahirapan ay tulungang palayain, Ang 'Yong kapangyarihan ay walang hangganan, Sa lahat ng mga dako, saan man at kailanman, Marapat lamang na ang 'Yong pangalan ay papurihan, Mga banal na utos ay aming pahahalagahan, Sa mahabang panahon ay aming aalagaan, Ang 'Yong mga aral ang laging iiral, At siyang dapat na iasal, 'Pagkat sa 'Yong pangakong kaharian, Sa mga sumasampalataya'y ito'ng nakalaan, Ginto ang daraanan,

Mga mamahaling bato'y nagkikinangan, Wala na'ng kapighatian, Sapagkat ang kasiyahan ay nasa puso ninuman,

Maging ang kapayapaan,

Sa 'Yong kaharian ay walang hangganan, Kadakilaan Mo'y magpakailanman,

Oh, Mahal kong Panginoon, Sa pagdating ng panahon, Sa 'Yong kaharian aking kalul'wa'y Iyong dal'hin doon. Amen! — Panalangin ( Sa Diyos Ama Namin), TumblrWritings 2017

Panalangin ( Sa Diyos Ama Namin)

Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Long Shadow
  • Twitter Long Shadow
  • SoundCloud Long Shadow
bottom of page