Nakamamatay Na Inggit
Sino ba, Jay?
Marami na'ng nagpatunay, Na ito raw inggit ay nakakamatay, 'Pagkat sa pakiramdam ay para daw binibitay, Kinakapos ang hininga at halos mahimatay, Ng dahil sa inggit ay naglulupasay, Nagkikikisay, hanggang manlupaypay, Kaya nga at mga kamay ay 'di na rin maikampay, Akala mo'y pilay na tinanggalan ng saklay, May parang kinakatay, Ang iba nama'y parang 'di pinas'weldong tsimay, Maging ang mga kilay, Madalas na 'di pantay, Ng dahil sa inggit, Huwag naman sanang ikamatay, Akin na lang dalangin, Sa Diyos na mahabagin, Kung hininga'y kakapusin, Huwag ng patagalin, Agad ng himatayin. — Nakamamatay Na Inggit, TumblrWritings (2017) Sabihin mo na kasi Jay! Sino nga?
Pero sa isang kondisyon...
Alaga mo ba 'yan, Jay?