Pinakbet Kong Nilalangit
Anak ka ng pusit, Nagmumukha ka ng yagit,
Hindi ito pansit! Sa 'yong pangungulit,
Ulo ko'y sumasakit,
'Di ba't aking inuulit, Na huwag kang mangungulit?
Parang batang paslit, Sa dilang lumalawit,
Laway ay nanlalagkit, Sa 'yong pamimilit, Ano ba'ng hinihirit, Halos gusto na'ng mangupit,
At ang damit ko'y hinihila't pinupunit, Talagang nakakab'wisit, Lalo't may nanggigitgit, Panay sa pagsitsit, Bakit ang ampalaya ay 'di raw mapait? Talagang ang saluyot at okra sa lalamunan ay walang kasabit-sabit, Kailangan ko pa ba'ng iulit? Itong aking pakbet ay may sikretong malupit, Dahil sa sangkap na kaakit-akit, Pwede? Mam'ya ka na lumapit? Ayan tuloy! Tingnan mo ang 'yong sinapit, Napaso ka tuloy sa init! Ayan, mukha kang taeng naipit, Sa 'yong pamimilipit,
Aking pakbet ay gustong tikman ng pilit, Kahit na sobra pa sa init, Kaya't dapat lang na maghigpit, 'Di ba't sabi ko nga'y mainit? Ang niluto kong pakbet, Na may sikretong malupit,
Palamigin naman saglit, Aking paalala; sa silya ika'y lumapit, Nang mahigpit na makakapit,
'Pagkat itong aking pakbet,
Dahil sa lasang malupit,
Ay naninipa sa puwit, Makiramdam sa pagpikit, At baka ang 'yong pangalan sa isip mo'y biglaang mawaglit,
Ang akala mo tuloy na ika'y nasa langit,
Kaya't biglaang mapapaawit, Pangalan tuloy ng mga santo'y mababanggit,
Maging mga dasal ay halu-halong masasambit, Ano'ng alam mong higit, Sa luto kong pakbet, Na may lasang gumuguhit,
Ramdam hanggang anit,
May amoy na nakakaakit? Humanda kayong mga nanlalait, 'Pagkat sa pagkain ng pakbet,
Gumaganda mga pangit,
Maging ang salbahe'y bumabait, Sa pagkain ng mahiwaga kong pakbet, Kaya nga't alalay lang sa pagkain ng niluto kong pakbet, At baka 'di sinasadyang kayo'y magkaro'n pa ng kabit,
Kahit 'di naman bagong gupit o kaya'y bagong ahit,
Aking muling paalala'y; ayos lang ang humirit, Ngunit kung gusto mo'ng umulit,
Huwag ka na ngang magalit,
Iwasan din ang mangulit,
Lalo't ito'y sobra pa sa init,
Para lasa'y masulit, Sa pakbet kong nilalangit! — Pinakbet Kong Nilalangit, TumblrWritings 2017
Pinakbet or Pinakbet Ilocano Dish Ingredients:
4 pcs round eggplant, cut in half
2 pcs small bitter melon (ampalaya), quartered
½ bundle string beans, cut into 2 inch length
1 small sweet potato (kamote), quartered
8 pcs small okra
2 thumbs ginger, thinly sliced
1 large tomato, cubed
1 large onion, cubed
1½ cup water
1 lb bagnet or lechon kawali
½ cup Anchovy sauce (bagoong isda) Cooking Instructions:
In a large pan, place water let boil
Put in the anchovy sauce and wait for the mixture to boil once more
Add-in the vegetables starting with the ginger, then the sweet potatoes, okra, bitter melon, eggplant, string beans, tomato, and onion and simmer for 15 minutes
Add the bagnet or lechon kawali (cooking procedure available in the recipe section) and simmer for 5 minutes
Serve hot.