Aking Katanungan
Kailanman ay hindi ka magiging magandang nilalang, Sa damdamin na may kagaya ng isang mabangis na hayop sa ilang, May pusong nagngangalit at hanggang langit ay pumapailanlang, Ilan sa mga katanungang 'di na mabilang, Ito ba ay patas kahit sino pa man ay magkulang, O sa isip lamang ng taong may pananaw na nahihibang?