top of page

Tugmang Mailap


Tugmang Mailap

Nagsimula sa maliwanag, Umabot ng magdamag, Hanggang sa aking maaninag, Ang isang malabong sinag, Mula sa araw ng bukang-liwayway, Ngunit 'di ko pa rin matagpuan, Sa aking walang laman na isipan, Ang mundo ng mga tugmaan, Minsan ay sadya silang mailap, Kapag ang mga titik ay hinahagilap, Maglakbay ka man sa ulap, O sumisid sa kalaliman ng dagat, Kagandahan niya'y ipagkakait isiwalat, Naglalaho sa pagkurap, Kabigua'y nalalasap, 'Pagkat kapaitan ang tinatanggap, Nasaan ka ba tugmang 'di mahanap-hanap? Anong saklap! Oh, tugmang mailap, Hanggang sa aklat, Ikaw'y binubuklat, Nitong isip na halos mawalan ng ulirat, Sa paghahalungkat ng mga dapat isulat, Maging ng tinta ko't papel, Ay 'waring naiinip na! Sa tugmang nais isiwalat, Ng isipan kong nagkalat, Kapanatagang 'di mailapat, Mundong binubuhat ay napakabigat, Kaya't unti-unting lumulubog, Sa tinutuntungang nagkakalamat, Aaah, bagaman sa biyaya ngayon ay salat, Alam kong magbabalik din kayong lahat, Kapag ang panahon ko'y lubos at sapat... — Tugmang Mailap, TumblrWritings (2017)

Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Long Shadow
  • Twitter Long Shadow
  • SoundCloud Long Shadow
bottom of page