top of page

Inaagaw Na Buhay


(Huwag mo kaming iiwan...) (Lumaban ka...) (Kaya mo 'yan...) (Mabubuhay ka...) (Laban...) (Lumaban ka...) (Pakiusap...) Pinuputol na ni kamatayan ang tulay ng buhay, Upang hangin sa puso'y tuluyang lumisan, At pilit na pumapalit ang itim at puti sa kulay ng buhay, Hinahabol ang paghinga, Naghihingalo na! Ngunit ayaw patalo, Lumalaban ng sabayan, Nanghihingi ng kaligtasan, Sa paglaban ay hanggang saan? Hanggang kailan? Upang hiram na buhay ay ‘di muna mabawi, Mga hininga'y pilit na dinadala ni kamatayan sa huling hantungan, Mga matang pumipikit ay idinidilat ng pilit, Ng dahil sa pagod at pasakit, At sa buhay ay mahigpit na kumakapit, Sa kabila ng kalagayang mapait, Tadhana'y malupit, Kasabay ng panahong nagsusungit, Binibilang na mga oras, At nagsusumamong patigillin muna ang pagdating ng bukas, Upang ang kaligtasan ay 'di makalagpas, Si kamatayan ay pilit na tinatakasan, Habang unti unting binabawian ng lakas, Hiningang bumibitaw, Hindi makagalaw, Ayaw pang pumanaw, Kaluluwang sumisigaw, Pilit tinatanaw kung awa ay dudungaw, Mga panalanging humaba pa sana’ng araw, Dito sa mundong ibabaw, Liwanag sa ilaw ay pumapanglaw, At wala nang matanaw sa nagdidilim na paningin, Katawan ay tuluyan nang humina, Ang kaligtasan kahit saan ay hahanapin, Aakyatin, lalanguyin, liliparin at lalakbayin, Sa digmaan kay kamatayan, Ibinabagsak ang bantayan, Habang sa kaligtasan ay nag aagawan, Biglaan ang labanan at naghihiyawan, Ang dakilang araw ay nais pang masilayan, Mga panalanging huwang munang bawian, Hindi pa nais masilayan ang huling hantungan, Walang malalapitan, walang makakapitan, Pilit na hinuhugot doon sa kalaliman, Gumagawa ng paraan upang ang ‘karit’ ni kamatayan, Ay maiwasan, mailagan at tuluyang takasan. Mga dasal at usal laging laman ng isipan, Nanghihingi ng kalakasan, Katatagan na pangmatagalan, At sa kadiliman ng kalawakan ay makalagan at makalaya, Upang muling makasilay, Sa mga kulay ng buhay, Mga ihip ng hangin, Nananabik na langhapin, Init ng hininga'y 'di na maramdaman, Sa nanlalamig na katawan, Sa isip na naguguluhan, Ay walang tigil na mga katanungan, Sa ganitong digmaan, Ano'ng dapat na tangan? Ano ang kagamutan? Kailan malulunasan, kailan maiibsan, Masamang nararanasan? Si 'kamatayan' paano matatakasan? Nahihirapan, naghahanap ng sandalan, Kailangan ay kapahingahan, Humihiling na tulungan, Sana'y makalagan sa mapait na kalagayan, Sa 'di makitang kalaban, Totoo ba na kahangalan, Ang humanap pa ng paraan? 'Pagkat lagusan patungo sa buhay, Ay tuluyang sinasarahan, Sa mga kumpas at 'karit' ni kamatayan... — Inaagaw Na Buhay , TumblrWritings (2017)

Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Long Shadow
  • Twitter Long Shadow
  • SoundCloud Long Shadow
bottom of page