top of page

Iginuhit Ng Isip (Sa Paraiso Ng Mga Asong Lobo)


Iginuhit Ng Isip (Sa Paraiso Ng Mga Asong Lobo)

Sa tikom na mga labi, Dahilan ‘di masabi, ‘Pagkat sa kalaliman ng gabi, Ay may gumuguhit sa aking isipan, Na hindi matatagpuan, Sa kahit anong kasaysayan, Mga hinagap bigla lang naganap,

At sa bawat pagkurap, Ako’y humaharap sa hardin ng pangarap, Sariling disenyo’y aking nahanap, Oh, nais kong umakap, Sa bituing makislap, Sa kariktan ng bilog na buwan, Kalungkutan sa pagiisa’y nilulunasan, Hatid niyang liwanag, Puso’y binubulag, Ano’t sa himig ng mga kuliglig, Sa aking pandinig ay nakakatulig? Ah, marahil sa katahimikan ng gabing malamig, Ako’y dinadala ng aking isipan, Sa daigdig na walang ligalig, Pusong nagagalak, Sa mabangong samyo ng mga bulaklak, Na sumasabay sa simoy ng hangin, Sa t’wing ang mga ito’y aking lalanghapin, Tunay na bumibihag, Ang mga damong hinahalikan, Ng hamog sa magdamag, Aah, sa dalisay na agos ng tubig mula sa batis, Pagkauhaw ko’y kanyang inaalis, At sa ilalim ng mga punong matitikas, Pakiramdam ko’y lumalakas, Huni ng mga ibon mula sa dilim ay aking binibilang, At sa kanilang paglipad na parang nahihibang ay nag-aabang, Akala mo’y umiilag sa kung anong malalaglag, Pilit inaaninag sa buwang maliwanag, Sa kadilimang nakakabulag, Ay inihahayag kanilang paglagalag, Sa iginuhit nitong isipan, Pansamantalang natagpuan, Aking kapanatagan, Kalungkuta’y natatakasan, Sukdulang kapayapaan, Salamat aking isipan sa ‘yong iginuhit, ‘Pagkat disenyo kong nais ay aking nakakamit, Salamat... ...sa ‘yong mga guhit. — Iginuhit Ng Isip (Sa Paraiso Ng Mga Asong Lobo), TumblrWritings (2017)

Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Long Shadow
  • Twitter Long Shadow
  • SoundCloud Long Shadow
bottom of page