Bagay Sa Tagay
Akin na ba ang tagay? Ano nga ba sa ating palagay?
Sa tunay na buhay kaya nating ibigay?
Ah! usapang makulay at sa tama'y ilagay,
Mabubuting payo o aral sa buhay, Huwag kalimutang ibigay at piliting walang away, Hindi magulo hanggang sa dulo,
Upang mga dugo ay maiwasang kumulo.
Kahit malapit nang 'bumigay',
Ang boses na malumanay, Sa kasamang alalay ang dapat ibigay hanggang sa bahay, Maging sa 'yong Nanay, anak na panganay, higit sa may bahay,
Bagay sa tagay? Makabuluhang usapan, May respetuhan ng magkakainuman, Walang rambulan at mga kasuhan. Dahil kapag may tagay at nalasing sabay sabay, Lumalabas mga sungay, Wala nang ibang alam, Kundi kamay ay palaging ikaway, At may istoryang mahalay na tulay sa pagkatay, Sa mga pagtatalo mga laway nagsimulang tumulo, Sa 'yong pakiramdam na kahit ka panalo, Ay wala kang titulo dahil walang ibang premyo, Kundi bote'y ipalo! At ano naman kung talo? Mayroon ka bang balato? Kaya't bagay sa tagay, Ay sa tiyan ilagay, Hindi sa ulo para walang gulo, Ikot ng baso'y hindi rin magulo,
Bagay sa tagay? Mayroong manggang hilaw, Pulutang masabaw o kaya ay inihaw, Wala hindi matakaw sa pulutang kinilaw, Para lasing 'di mangibabaw? Huwag kalimutan ang isaw! (haha)
Kapag may tagay? Karaniwang matatanaw ay mayroong lupaypay, May umaawit ng napakapangit hanggang dila'y lumawit, May malalim na hingal at biglang aatungal, Akala mo'y Hapon na nanghihingi ng baon, Tumulo ang uhog at lumobo ang sipon, May sobrang pasaway, Parang butiki sa Pasay na naglulupasay, Nagkikikisay nang dahil sa tagay, Ang iba'y umaaray sa taas ng tagay, May biglang nagtatanong, "Sa'n galing ang talong?" "Bakit walang bago'ng?" May biglang naghahanap ng pulutang tahong, Kasama'y sasagot, " Itanong mo sa pagong!" Katabi'y maghahamon, "Lumabas diyan ang maton!" Kaya pala hinamon ay bibigyan daw ng hamon, Kaya't itong maton na may dalang baston, Sumama sa tagay at kasamang uuwi ng pasuray suray,
Ano? May bwisitang dumating? Batikang lasenggong malakas ang dating, Ekspertong bolero at nagpiprisintang tanggero, Nguni't sa pagkabolero lahat nahihilo,
Halo halo ang kwento, May mga sundalo, karpintero, kantero, torero, usisero't bosero, At maging ang butas butas niyang yero, Hindi rin nakalusot ang syota niyang si Inday, Na sobra daw sa taray, Habang panay ang tagay ng sabay sabay, Ayan! may nangungulit at nangangalabit, May namimilipit at namimilit ng paulit ulit, Abah! May nangupit pa ng pulutang pusit, Dahil daw ang lasa ay 'napakalupit', Dapat tandaan; Na sa kahit anong handaan laging paghandaan, Ang pagdaan ng mga lasenggong tulisan,
Tuloy ang tagay! Ibang klase rin itong si pare, Kayo nang umintinde, Ay, abah, matinde! Sa kalasingan 'di na makatayo, Biglaan ang pag ire, (ugh) (hik) Akala mo'y inaapi 'yun pala'y umihe, Ang mamang salbahe wala na ngang pake, Sa kawawang lamesa kahit pa pumanghe, Anak rin ng tokwa at may sumuka, Halos bituka'y kanya nang iluwa, (ayun na) At sinong mag-aakala sa tapat pa ng gitara, (haha) Habang hinaharana ng bara bara ang magandang dalaga, Kaya't gamitin natin ang mga gabay na 'bagay sa tagay', Kahit na lupaypay sanhi ng tagay, Kahit isip naglalakbay maayos na humimlay, (Zzzngork) Tagay pa ko! Aaaargh! Gwaaark! Pweh! (sumuka) ― Bagay Sa Tagay, TumblrWritings 2017