top of page

Pilyong Panaginip (maikling bersyon)


'Sang umaga habang nakatuntanga at nagpapahinga, Doon sa 'king lungga na parang isang tanga, Ako'y naiinip kaya't biglang nakaidlip, Pumasok sa aking isip, Isang pilyong panaginip, Ang tagpo'y sa isang silid na masikip, Ako daw ay may nasilip, Biglang kinabahan ng grabe, 'Pagkat aking nakita, Mula sa butas na makipot, Siya'y walang saplot, Ako'y nanghilakbot, Hininga'y hindi alam kung sa'n aabot, Dasal ko'y katakot takot, Muntik mapautot, Mula sa butas ay sinipat kong maingat, Usal ko'y huwag sanang malingat o kaya'y huwag magulat, Pakiramdam kong naninigas, Parang isang ungas at sa putik ay nagkakandadulas, Hindi makaalpas at hindi makakalas, 'Pagkat hindi ibig tumakas, Sa aking nasaksihan, Tunay akong nasis'yahan, Sa magandang hubog ng katawan, Lantad na kahubaran, Wala nang alisan, Tuloy tuloy sanang babaran, Panalangin hanggang kinabukasan,

Susulitin bago lumisan, Ito ang nasa isipan, Anak ng tukmol na 'manyakol', Kasiyahan ay biglang naputol, (Ha?) Napalitan ng pagmamaktol, 'Pagkat sa liwanag ay aking naaninag, May buntot na kumakawag, Parang isang dalag na hindi nalalaglag, Mukhang yatang minalas! Ang maganda palang babae'y isang binabae... Akin na lang nasabe, "Peke palang nadale", Sa masamang panaginip, May biglang lumagabog,

Sa higaan ako pala'y nahulog, Bigla ay nagising na parang isang lasing! Hininga'y hinahabol habol, Tibok ng puso ay parang tinatambol, Pakiramdam ko'y nagkarambol rambol, Salita'y nabubulol, Lakad nagkakabuhol buhol, Nilalagok ang tubig na parang nauulol! Sa masamang panaginip, Nagmukha tuloy tukmol! (Isa sa tatlong pilyong panaginip) (Uuungh... Aaaah...) (Hmmnnn... Ooooh...) ― Pilyong Panaginip (maikling bersyon), TumblrWritings (2017)

Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Long Shadow
  • Twitter Long Shadow
  • SoundCloud Long Shadow
bottom of page